Itinanghal bilang 1st Runner-Up ng Mister Island Tourism Philippines 2023 ang pambato ng Kibungan, Benguet na si Kyle Brent Kimayong sa grand coronation night na ginanap sa Cebu noong ika-30 ng Abril.
Ayon kay Kyle, nagsimula ang kanyang pangarap na magmodelo noong siya ay nasa Grade 6 pa lamang.
“Noong bata pa ako, there are many opportunities na open, and isa na doon ang pagmomodeling. I didn’t go directly to pageantry. I just took whatever was open for me,” pahayag nito.
Sinubukan daw niya ang mga oportunidad na dumating sa kanya at sinuri kung alin ang kaya niyang pagtagumpayan.
“It so happened na I do have an affinity sa stage. Once nagstart ako ng modeling, I find it very fulfilling and later on nag-open na yung opportunity to join a pageant, which is why I’m here right now,” dagdag niya.
Tubong Baguio si Kyle habang ang kanyang ina ay mula Kibungan, Benguet, at ang kanyang ama ay tubong Ifugao.
“One of the reasons why I’m actually working hard is for my parents,” emosyonal na sabi ni Kyle.
Gusto raw nito na ipagmalaki siya ng kanyang magulang, bagay na kinumpirma ng kanyang ina.
“As the mother, I’m proud to support him. During itong last pageant niya, andoon ako,” malugod na sabi ni Teresa Bugtong Sacpa, ang ina ni Kyle.
Bagamat malayo na ang kanyang narating, hindi parin nalilimutan ni Kyle na lumingon sa kanyang pinanggalingan.
“I will promote yung inabel weave natin dito sa Cordillera because during my ten days’ stay in Cebu, people have shown fascination sa aming design,” sabi nito.
Mula sa dalawampung kalahok, nakapasok si Kyle sa top 10 hanggang siya ay napabilang sa top 5. Napanalunan din niya ang Mr. Innocense Collection at Best Tourism Video.
Kasalukuyang pinaghahandaan ni Kyle ang Mister Island Tourism International habang isinusulong ang turismo sa Cordillera at Cebu.