BREAKING NEWS!

Pinagpatong-patong na pizza, swak sa masa

Photo Courtesy of Pizza Stack Kisad

Worry less, eat more. Iyan ang nararamdaman ni Jocelyn habang nilalasap niya ang kanyang paboritong meryenda na pizza. Hatid ito ng Pizza Stack, sa Kisad road Baguio city. Ang kanila kaseng pizza patong-patong na, nakapatong pa sa inuming madali lang dalhin. Ayon kay Jocelyn, bukod sa sobrang sarap nito ay madali din daw itong dalhin at kainin lalo na pag gutom na gutom ka. Hindi lang isa, pero iba’t-ibang flavors ang puwede mong matikman sa isang order. At kung lasa ang pag-uusapan tiyak ay kalidad ang kanilang mga produkto, mabusisi kasi nila itong ginagawa. Paliwanag ni Roger Dela Cruz, ang head baker ng Pizza Stack, halos araw araw silang gumagawa ng dough dahil kailangan daw lahat ng ginagawa nila ay sariwa.

Sa mga ingredients naman ayon sa kanya ay sinisigurado nila na pantay pantay ang lebel ng keso, sauce at toppings. Niluluto ito sa oven na may saktong temperature at kapag luto na, pwede na itong maenjoy ng mga kustomers mapa-dine in o take-out. Ang kakaibang presentasyon ng pizza na ito ay ideya lamang ng mag-asawa noong 2019, ang Pizza Stack ang kauna-unahang pizza in a cup sa mundo. Paglalarawan ng CEO ng Pizza Stack na si Nectar Scott, halos lahat ng mga tao ay nagmamadali sa pagpasok sa trabaho o paaralan kaya naisipan nila na gawing on-the-go ang paborito nilang meryenda na may inumin na at pwedeng kainin sa daan.

Bago nila ito simulan, nagpunta pa nga ang mag-asawa sa Napoli, Italy kung saan nagmula ang orihinal na recipe ng pizza. Kuwento ni Nectar, lumahok sila ng master class at inapply na nila ang recipe ng Napoli at iyon na ang ginamit nila sa kanilang mga dough. Dahil sa kakaibang disenyo at sarap ng Pizza Stack, ngayon ay dalawa na ang kanilang branch sa lungsod ng Baguio. Pero hindi lang yon, umabot narin ito sa Pangasinan at Batangas. Malaki naman ang naitulong nito sa bente-uno anyos na si Rose Marie na nais makapag-ipon para sa kanyang pag-aaral. Ayon sa kanya, sa dami daw ng inapplyan niya ay ang Pizza Stacki lang daw ang kumuha sa kanya. Hiling niya pa, sana ay mas marami pang mga tao ang mabigyan ng Pizza Stack ng trabaho sa pamamagitan ng mga prangkisa.

SHARE THIS ARTICLE NOW

COMMENTS

Write a Reply or Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *


TAGS

The latest news from luzon. Timely. Accurate. Fair.

P1 OIL PRICE HIKE, BURDEN FOR MOTORISTS

BY: VANESSA BUGTONG   Construction worker Mark Anthony rides his motorcycle daily to work. Out of his 500 pesos daily wage, almost 150 pesos goes to fuel expenses. The recent

GUICONSULTA PROGRAM, BROUGHT TO MALASIQUI, PANGASINAN

BY: VALERIE ANN DISMAYA   At the start of 2025, the GuiConsulta program resumed operations under the Pangasinan Provincial Government. This time, the program reached Malasiqui, where Governor Ramon Guico

DID YOU KNOW THAT MUSHROOMS ARE NOT PLANTS?

BY: VALERIE ANN DISMAYA   Since mushrooms are often found on the ground or growing on trees, they are frequently mistaken for plants. However, according to the Missouri Department of