BREAKING NEWS!

PMA entrance exam sa Luzon, kasado na

Litrato ng mga kadete ng PMA na nagmamartsa

Muling binuksan ng Philippine Military Academy (PMA) ang pinto nito sa mga naghahangad na magsilbi sa bayan. Isa dito si Alexa Bilog, aniya inspirasyon niya sa pagaapply ang paghanga sa pagsisilbi at career track ng mga sundalo. Dagdag pa ni Alexa una siyang naging interesado sa PMA dahil sa pagbisita ng mga First Class na kadete nito sakanilang paaralan noong highschool pa lamang at humanga siya sa mga pulis at sundalo noong pandemya.

Si Curtney Agnas din naman gusto magsilbi sa bansa at makatulong sa pamilya, marahil karamihan din sakanyang mga kamag-anak ay hinihikayat siyang pumasok dito. Dalawa lang sina Curtney at Alexa sa mga libu-libong naghahangad na pumasok sa akademya. Ayon naman kay Maj. John Eric Tadeo, ang Entrance Exam ay magaganap sa ika-24 hanggang 25 ng septyembre. Payo niya sa mga magsusulit na mag-aral ng kaunti marahil mga pangunahing kaalaman ang laman ng PMA Entrance Examination. Aabot sa Dalawang pu’t apat na mga testing centers ang inihanda sa buong luzon, sa Baguio city aabot sa halos tatlong libong mga examinees ang inaasahan ng akademya.

Bubuksan ng akademya ang gate ng alas sais ng umaga. Pero dahil pa din sa pandemya, hindi pa din nito ipapatupad ang optional wearing ng facemask, dadaan din sa triage area ang mga magsusulit bitbit ang mga vaccination card, dadaan naman sa antigen test ang mga hindi bakunado. Paglilinaw ni Maj. Tadeo na ito ay dahil hindi pa pare parehong nagbubukas ang mga lungsod sa bansa, kung kaya’t kailngang protektahan ang mga proctor at mga estudyante.

Pero sa paglipas ng mga taon, ikinatuwa ng akademya ang pagtaas pa ng mga gustong mag-apply. Mula kasi sa halos tatlong libong aplikante tumaas pa ito sa higit tatlong pu’t limang libo ngayong taon. Ang bilang ng mga magsusulit ay inaasahan pang umabot ng apatnapung libo marahil may mga walk-in pang daragdag katulad ng mga nagdaang tatlong taon. Pero kahit libo libo ang bilang ng mga gustong pumasok, apat na daan lang ang kukunin ng akademya na bubuo para sa PMA Class of 2027.

SHARE THIS ARTICLE NOW

COMMENTS

Write a Reply or Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *


TAGS

The latest news from luzon. Timely. Accurate. Fair.

Who was Benigno “Ninoy” Simeon Aquino Jr.?

Today, August 21, the nation commemorates Ninoy Aquino Day, but what was his contribution to the democracy of our country? Do you know who Benigno “Ninoy” Aquino Jr. was? He

FPJ, Hari ng Pelikulang Pilipino

Today, August 20, we celebrate the birthday of the one and only King of Philippines Cinema, Fernando Poe Jr. Whether young and old, anyone you ask will surely know the

How was the first photograph taken?

Many of us enjoy taking pictures, whether it’s selfies or group photos. It’s a way to relieve past memories. But how was the very first photograph taken? Whenever there’s a

Why do we celebrate National Heroes Day?

When we hear ‘National Heroes Day,’ we immediately think of the heroes who sacrificed their lives during their time, but today, each one of us can also be considered a

Where did gymnastics originate?

Now that the whole country is celebrating Carlos Yulo’s back-to-back gold medals at the Paris 2024 Olympics, let’s discover where this sport originated and how some Filipino athletes also fell