Tumataas na ang acceptance rate ng mga taga-benguet sa pagbabakuna.
Ngunit kung kailan tumataas ang demand doon naman nagkukulang ang supply.
Kaya naman umapela si Dr. Meliarazon Dulay sa Department Of Health na taasan ang alokasyon.
Dahil na din sa kakulangan ng suplay pansamantalang hinihikayat ang lahat na makilahok sa masterlisting para sa agarang pagtuturok kapag dumating na ang bakuna.
Tatlong porsyento pa lang mula sa 70% herd immunity ng probinsya ang nababakunahan.
Sa update ng Department Of Health Cordillera, aabot palang sa 12,402 ang bilang ng mga indibidwal na nabakunahan ng 1st at 2nd dose. Malayong mababa kung ikukupara sa kabuuang populasyon ng Benguet na higit 480,000.
Bakunado man o hindi, hinimok pa rin ni Governor Melchor Diclas ang pagsunod sa health protocols at panuntunang nakapaloob sa MECQ status ng probinsya.
Sa ngayon papalo na sa 8,692 ang COVID-19 cases ng Benguet. 344 ang aktibo, 209 na ang namatay at 8,139 na ang mga gumaling.