Labing-isang residente ang nakatanggap ng financial assistance sa pamamagitan ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program.
Mula sa nasabing bilang, dalawa sa mga ito ang regular na myembro ng New People’s Army at siyam na dating miyembro ng Militia ng Bayan. Naisagawa ang awarding kasabay ng Peace Building and Former Rebels Organizational Summit na mayroong tema na “Strengthen the Advocacy in Ending the Insurgency Towards Peace and Development” na dinaluhan ng mga nasabing benepisyaryo at mga dating miyembro ng Underground Mass Organization.
Isa si Alyas Rosing na nakatanggap ng financial assistance na nagkakahalaga ng P165,000. Labing isang taon na itong nasa puder ng rebeldeng grupo at ang naging ruta nila ay sa kabundukan ng Kalinga, Ilocos at Mountain Province.
Samantala, maliban sa naipamahaging tulong pinansyal sa pamamagitan ng E-Clip, nagbigay din si Gov. Ryan Luis Singson ng tig-dalawang libong piso sa bawat partisipante.
Mahigit isang milyong piso ang naibigay sa mga benepisyaryo kung saan sila na ang ikalawang batch ng E-Clip beneficiaries ngayong taon kabilang ang reintegration assistance para sa 81st Infantry Spartan Batallion.