Iginawad ng DILG ang kauna-unahang Safety Seal Certification dito sa probinsya ng Ilocos Sur sa Candon City Hall matapos pumasa sa inspection at evaluation.
Pinangunahan ng inspection team si City DILG Officer Gerald Gallardo kasama sina PLtCol Randy Arellano at Fire Chief Inspector Nemesio Valenciano Jr. ang seal ay nagpapatunay na ang isang establisyemento ay sumusunod sa minimum public health standards na itinakda ng gobyerno at gumagamit ng contact tracing app nito na StaySafe.ph.
Ang Seal ay tinanggap mismo ni Mayor Ericson Singson at inilagay niya ito sa harapan ng City Hall. Bagamat boluntaryo ang aplikasyon, sinabi ng kalihim na mahalaga ang Safety Seal upang maging kumpiyansa ang mga tao na ligtas ang lugar dahil naipatutupad ang safety protocols.
Samantala, maaaring bawiin ang Safety Seal na iginawad sa establisyimento kung mapapatunayang ito ay may pagkukulang.