Bubuksan na ang tourism bubble sa pagitan ng syudad ng San Fernando at Baguio. Hangad nito na maumpisahan na ang pagpapasigla sa turismo ng dalawang lungsod.
Kamakailan lang ay nilagdaan na ni Baguio Mayor Benjamin Magalong ay San Fernando Mayor Alfredo Pablo Ortega ang Memorandum of Understanding ng ‘Summit and Sea Tourism Bubble’.
Layunin din ng programa na mapadali ang travel system para sa mga turista.
Sa pamamagitan ng tourism bubble, mauumpisahan na rin ang muling pagsigla ng bentahan ng iba’t ibang lokal na produkto.
Para masiguro ang health care capacity ng dalawang syudad, lilimitahan lang muna sa limang daang turista kada araw ang pwedeng bumisita.