Kahapon kinumpirma mismo ni Mayor Benjamin Magalong ang pagpayag na ng National IATF sa pagpasok ng mga turista sa Baguio.
Bagamat nasa General Community Quarantine Status ang lungsod, kinumpirma ni Mayor Magalong na may exemption ang lungsod sa tourist activity mula sa National IATF.
Kahit bukas man ang turismo sa lungsod, lilimitahan lang sa 5,000 kada araw ang papasok na turista.
Kailangan ding mag-register lamang sa visita application at magpakita ang negative na RTPCR Test o antigen test result.
Maaalalang isinara ng lungsod ang pagppasok ng mga turista galing NCR Plus bubble noong Abril dahil na din sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa NCR Plus.