Lalo raw napalawak ang kaalaman ni Avelyn Lomas-Calag sa pagnenegosyo. Kasama kasi siya sa labing limang nagtapos sa Kapatid Mentor Me Program ng DTI.
Labing dalawang linggo silang sumailalim sa mentorship program at tinuruan ng iba’t ibang estratehiya sa pagbuo ng isang epektibong business plan.
Ngayong taon, nabigyan ng pagkakataon ang kabataan na mapabilang sa kwalipikasyon ng programa.
Malaki ang tulong ng programa para magkaroon ng pagkakakitaan ngayong may pandemya.