BREAKING NEWS!

Tamang timbang, Tamang presyo, Tamang sukli, isinusulong sa Dagupan City

DAGUPAN CITY – Pinaiigting ngayon ng Task Force Anti-littering Magsaysay, Dagupan City ang Ordinance 1860 Series of 2006, ito ang tamang timbang, tamang presyo, tamang sukli. Sa layong maaksiyonan ang dumaraming reklamo tungkol sa pandaraya sa loob ng palengke. Sa panayam kay Jaime Serna ang Head, task force anti-littering ng Magsaysay, patuloy parin ang pagbibigay ng babala sa mga tindera na maging tapat sa mga mamimili lalo na sa mga bisita. Dagdag pa niya tinututukang mabuti ang mga timbangan upang walang puna na marinig mula sa mga mamimili. Sa ngayon ay binibigyan muna ng babala ang mga tinderang mahuhuling nandaraya at kunukumpiska nila ang mga timbangang gamit ng mga ito.

Kaugnay dito, mayroon ng halos dalawampo’t-anim na timbangan ang nakumpiska ng mga opisyal. Samantala, dalawang daang piso naman ang bayad sa unang paglabag, limang daang piso naman sa pangalawa at ang pangatlo ay pitongpo’t- dalawang oras ng community service. Samantala, maaga pa lamang ay naka pwesto na si Nanay Maria sa Magsaysay Market sa Dagupan City para magtinda ng sariwang hipon.

Aniya, bata pa lamang siya ito na ang kanyang pinagkakakitaan dahil dito ay umani na siya ng maraming mga suki. Ayon sakanya, ang sekreto niya ay walang iba kundi pagiging patas sa mamimili at ang paggamit umano ng tamang timbangan at pagpapanatili sa tamang presyo. Ito rin ang prinsipyo ng isang tindera na si Nanay Margie Marra. Dahil dito, mas naging kampante ang mga mamimili katulad na lamang ni Wendy Ferrer na sumang-ayon sa ordinansa upang makaiwas umano sa pagkalugi bilang parokyano ng palengke. Sa ngayon ay may mga itinalagang miyembro sa palengke upang mapadali ang pagsumbong ng mga mamimili.

SHARE THIS ARTICLE NOW

COMMENTS

Write a Reply or Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *


TAGS

The latest news from luzon. Timely. Accurate. Fair.

SM Celebrates 126th National Flag Day

SM City Baguio joins the nation in the observance of the 126th National Flag Day on May 28. To ignite the momentous occasion, a flag-raising ceremony that displays a clean