Tumaas ang bilang ng mga batang ina sa Cordillera ngayong taon. Pinakabata ayon sa Population Commission ay edad onse. Taong 2019, 1,654 ang naitalang teenage pregnancy sa Cordillera. Pagsapit ng 2020, taon kung saan inaasahang bantay sarado ang mga bata dahil may pandemya, umakyat sa 2,422 ang bilang ng mga batang nabuntis. Labing isang taong gulang mula sa lalawigan ng Apayao ang pinakabatang nabuntis.
Sa buong Cordillera, Baguio na may 445 ang nakapagtala ng pinakamataas na kaso ng teenage pregnancy. Mas mataas ito kumpara sa naitalang 355 noong nakaraang taon.
Puspusan na ang pakikipag ugnayan ng POPCOM sa mga pamahalaang lokal at DSWD para mapigilan ang pagdami ng kaso ng teenage pregnancy at para maproteksiyunan ang kapakanan ng mga batang ina.
Ipinapanukala na rin ng POPCOM na dapat ay magkakaroon ng access sa family planning services ang mga menor de edad.