Isa si Aling Rachelle sa mga vendors ng Magsaysay Public Market sa Dagupan City na nairelocate sa bagong pwesto dahil sa rehabilitasyon sa palengke mula kasi sa kanilang orihinal na pwesto inilipat ang mga ito sa Reyes Street. Aniya, sa kanyang dalawampong taong pag-titinda ng isda maganda umano ang kanyang kita sa fish market. Subalit, lingid dito ang pangangamba niya na maaring maapektuhan ang kanyang kita dahil sa relocation ng kanilang pwesto. Paliwanag niya, maaaring malito ang kanilang mga suki dahil nasanay na sila sa dati, subalit dagdag naman niya, masasanay rin umano ang mga ito sa bagong pwesto.
Samantala, ang mga mamimili at mga motorista ay pabor sa bagong pwesto. Ayon kay Romeo Calucim isang mamimili, napakaganda umano ng proyektong ito upang mas mapasaayos ang kanilang palengke. Dagdag naman ni Alvin Fernandez ang nag-aangkat sa palengke, pabor umano siya dahil naisaayos na ang mga kanal, at naging malinis ang Magsaysay public market. Mungkahe ni Joey Sabado ang Market Supervisor ng palengke nasa last phase na umano sila ng construction. Tatlong linggo hanggang isang buwan na lamang daw ang hinihintay upang matapos na ang kanilang proyekto.
Mensahe naman ng Magsaysay Public Market Office, partikular na inaayos ngayon ang sahig ng fish market. Dagdag sa rehabilitasyon ang trenching para sa mas maayos na drainage ng palengke at proteksyon sa mga cable tree. Bagamat apektado ang limampot siyam na mga fish vendors sa nasabing rehabilitasyon, nanawagan naman ang pamahalaang lungsod ng kaunti pang pasensya at pagtitiis sa mga tindera. Nakatakdang matapos ang rehabilitasyon ng palengke sa Oktubre.