Lunes na lunes pero tila mainit ang ulo ni Mayor Benjamin Magalong. Dismayado raw ito sa patuloy na pagdami ng kaso ng COVID-19 sa mga Police Trainee ng Cordillera Administrative Training Center O CARTC.
Nadagdagan pa kasi ng 26 ang 104 police trainee nauna nang nagpositibo sa COVID19 noong Hunyo. Lalo pa raw ikinadismaya ng alkalde ang hindi pagsunod ng naturang institusyon sa mga naging rekomendasyong mga protocol.
Paliwanag naman ng CARTC, hindi basta-bastang masusunod ang mga protocol sa loob ng paaralan dahil palagian silang lumalabas ng training center. Para maipagpatuloy ang pag-aaral ng mga pulis, iminungkahi na nila ang blended learning. Pag nagkataon, maiiwasan ang kumpulan ng mga trainee at clustering ng kaso.
Inaantay pa ng CARTC ang desisyon ng Philippine National Police Training Institute Central Office sa apelang magkaroon ng blended learning.