BREAKING NEWS!

Trak, sumabit sa arko ng Dolores, Abra

Wasak ang arko na ito sa Dolores, Abra matapo araruhin ng truck.

Ayon sa imbestigasyon ng Dolores PNP, galing ang truck sa Tabuk, Kalinga at magdedeliver sana ng halos 1,000 ng sako ng palay sa Lagangilang, Abra nang mangyari ang insidente.

Sa panayam ng pulisya sa driver, hindi naman niya aakalaing sasabit ang karga nito sa arko ng Dolores.

Dahil sa insidente, pansamantalang isinara sa trapiko kaninang umaga ang kalsadang papasok sa dolores abra na nagdulot ng mabigat na trapik.

Kaya naman gumamit na ng heavy equipment para mahatak ang truck.

Napagdesisyunan naman ng LGU ng Dolores at ng driver na idaan nalang sa amicable settlement ang nasabing pangyayari.

Wala namang nasaktan o nasugatan sa insidente

Yupi at sira-sira naman ang harapan ng van na ito kanina sa Tabuk – Paracelis road sa Tabuk City, Kalinga.

Pumutok kasi ang gulong nito kung saan nawalan ito ng kontrol hanggang sa bumangga sa isang poste ng kuryente.

Ayon sa initial na report ng Tabuk City Police Station, nagbaba lang ito ng kanyang mga sakay at pabalik na ito ng mangyari ang insidente.

Dahil sa pangyayari, nagtamo ito ng fracture sa paa.

Wala namang ibang nadamay sa insidente.

SHARE THIS ARTICLE NOW

COMMENTS

Write a Reply or Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *


TAGS

The latest news from luzon. Timely. Accurate. Fair.

Who was Benigno “Ninoy” Simeon Aquino Jr.?

Today, August 21, the nation commemorates Ninoy Aquino Day, but what was his contribution to the democracy of our country? Do you know who Benigno “Ninoy” Aquino Jr. was? He

FPJ, Hari ng Pelikulang Pilipino

Today, August 20, we celebrate the birthday of the one and only King of Philippines Cinema, Fernando Poe Jr. Whether young and old, anyone you ask will surely know the

How was the first photograph taken?

Many of us enjoy taking pictures, whether it’s selfies or group photos. It’s a way to relieve past memories. But how was the very first photograph taken? Whenever there’s a

Why do we celebrate National Heroes Day?

When we hear ‘National Heroes Day,’ we immediately think of the heroes who sacrificed their lives during their time, but today, each one of us can also be considered a

Where did gymnastics originate?

Now that the whole country is celebrating Carlos Yulo’s back-to-back gold medals at the Paris 2024 Olympics, let’s discover where this sport originated and how some Filipino athletes also fell