BREAKING NEWS!

Tree planting and coastal clean up isinagawa sa Tondaligan beach

Isinagawa ang tree planting at coastal clean up sa kahabaan ng Tondaligan beach sa Barangay Bonuan Gueset. Programa ito ng mga bumubuo sa Dagupan City Finest of the Fraternal Order of Eagles. Pagkatapos magtanim, pinulot ng grupo ang mga nagkalat na plastic wrappers, styro cups at iba pang mga duming iniwan ng mga namasyal sa lugar.

Nagsagawa rin ng kaparehong aktibidad ang mga empleyado ng Bank of Commerce Dagupan Branch. Isa daw ito sa kanilang paraan para magkaroon ng ambag sa pagpapanatili ng kalinisan. Tugon din ito sa panawagan ni Dagupan Mayor Brian Lim sa lahat ng mga Dagupeño na tumulong sa pangangalaga sa kalikasan ng lungsod.

Sa mga sabik ng maligo sa mga beach ng Dagupan, may good news sa inyo! Base sa Executive Order Number 22 na inilabas noong July 9 papayagan na ang swimming sa Tondaligan beach at iba pang baybayin sa lungsod. Papayagan na rin ang paglangoy sa mga swimming pool bastat sundin ang mga health protocol na ipinatutupad ng barangay.

Tanging ang government swimming pool sa Barangay Poblacion Oeste, Dagupan City ang mananatiling sarado sa publiko.

Binisita naman ni DOT Secretary Berna Puyat ang Alaminos para mapag-usapan kung paano maihanda ang lungsod sa pagbisita ng mga turista na nagnanais makita ang ganda ng Hundred Islands National Park. Mainit naman ang pagtanggap mga taga-Alaminos sa pamumuno ni Mayor Arth Bryan C. Celeste. Namahagi din ang kalihim ng cash assistance sa mga displaced tourism workers.

SHARE THIS ARTICLE NOW

COMMENTS

Write a Reply or Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *


TAGS

The latest news from luzon. Timely. Accurate. Fair.

MRR Queen of Peace Engulfed By Fire

112 residents from MRR Queen of Peace suffered from a great loss after a fire broke out at approximately 4:45 am on April 13, 2024. The fire was declared officially