BREAKING NEWS!

Yemeni national kulong dahil sa pagtatanim ng marijuana sa loob ng bahay

Sinalakay ng mga autoridad ang bahay na ito sa Crystal Cave, Baguio City nitong weekend.

Bitbit nila ang search warrant na inilabas ni Executive Judge Maria Ligaya V. Itliong-rivera ng Regional Trial Court, Branch 5 Baguio City.

Target nila ang Yemeni national at high value target ng PDEA Cordillera na si Hussen Muaadh Hasa, Aka Muath Yaf, 21 anyos.

Base sa nakuhang tip ng PDEA Cordillera, may tanim si Hasa na marijuana sa loob ng bahay nito.

Sa paghahalughog ng mga autoridad, tumambad sa terrace ng bahay ng suspect ang tatlong nakapasong marijuana.

Sa isang kwarto din, natagpuan ang mga pinapatuyong dahon ng marijuana.

Ayon sa kinakasama nito, hindi ito nagkulang sa pagpapayo sa suspek na itigil ang pagtatanim ng illegal na droga pero hindi ito nakinig sa kanya.

Tumanggi namang magbigay ng pahayag si Hasa.

Nahaharap ang suspek sa reklamong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Acts Of 2002.

Aabot naman sa 12 sako ng pinatuyong dahon ng marijuana na nagkakahalaga ng 43.3 million pesos ang kinumpiska ng mga awtoridad sa isang plantasyon ng marijuana sa sitio Palwa, Barangay Sagpat, Kibungan, Benguet nitong weekend.

May nakuha ring 12,000 na mga tanim na marijuana na aabot naman ng 2.5 million pesos.

Sa Sitio Dalipey, Barangay Tacadang, Kibungan, Benguet, limang plantasyon ng marijuana ang sinalakay ng mga awtoridad.

Aabot 6,300 na piraso ng mga tanim na marijuana ang nakita sa plantasyong may luwang na 1,050 square meters. Nagkakahalaga ito ng 1.2 million pesos.

Sa kabuuan, papalo sa 47 million pesos ang halaga ng marijuana ang binunot at sinunog sa magkahiwalay na operasyon. Wala namang nahuling cultivator.

Sa Sadanga, Mt. Province, huli ang bente uno anyos na drug courier. Nakumpiska sa kaniya ang labinlimang bloke ng pinatuyong marijuana.

Naharang sa checkpoint ang bus na sinasakykan nito. galing ang bus ng Kalinga at papunta sanang Mt. Province.

Ayon sa mga pulis, inamin ng suspek na parte siya ng isang grupo na nagbebenta ng ilegal na droga sa Maynila.

Mahaharap siya sa reklamong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act Of 2002.

SHARE THIS ARTICLE NOW

COMMENTS

Write a Reply or Comment

Your email address will not be published.


TAGS

The latest news from luzon. Timely. Accurate. Fair.

A connection from music to soul

Our love for someone or something is a divine feeling that makes our heartbeat pound and yet we feel safe and sound. The moment we fall in love, everything stops