Sa bagong café sa siyudad ng Baguio, literal na mapupuntahan ang mga drawing plans ninyo. Ito ang White Canvas Bistro ng Nevada Square, Baguio City.
Magkapatid na young entrepreneur ang nakaisip dito.
Ginamit nila ang kanilang skills at natutunan para magkaroon ng sariling business na maipagmamalaki nila.
Nagbukas din ang kanilang bistro upang matulungan ang mga local artist sa syudad.
Tuwing Martes hanggang Linggo, mula alas onse ng umaga hanggang alas nuebe ng gabi, bukas ang White Canvas bistro sa Nevada Square, Baguio City.
Maaari ding magkaroon ng afternoon reservation tuwing lunes.