BREAKING NEWS!

Sin tax, planong ipataw sa mga soft drinks at junk foods

Isinusulong ngayon sa kongreso ang pagpapataw ng sin tax sa mga junk foods at softdrinks, upang mabawasan ang obesity rate sa bansa. Pero, umalma dito ang ilan. Paboritong meryenda at pantawid gutom ni Aling Rosela Padilla ang chichirya at softdrinks. Ayon sa kanya isang pack ng chichirya at softdrinks araw-araw ang kanyang merienda. Kaya noong nalaman niyang papatawan ang mga ito ng buwis, agad siyang umalma.

Aniya hindi na dapat pang dagdagan ang buwis para sa junk food at soft drinks dahil nasa gitna parin tayo ng pandemiya. Ganito din ang sentimyento ni Aling Irma Real na may dalawang taong gulang na anak. Pag-amin niya, minsan ay pinapainom niya rin ito ng soft drinks. Ayon sa kanya hindi na dapat pa tumaas ang mga bilihin kaya naman hindi siya pabor sa pagpataw pa ng karagdagang buwis. Pantawid gutom din ito ng estudyanteng si Iseiah Aquino na tutol din sa nasabing balita. Para naman sa kanya kung wala na talaga siyang mapagpipilian, kakainin na niya ang junk food na nasa kanyang harapan.

Kahit hindi sang-ayon si Aling Rebecca Dialona sa planong ito, naniniwala naman siyang makatutulong ito upang mabawasan ang mga bumibili ng junk foods. Lagi daw nagbibigay ng paalala si Aling Rebecca sa kanyang mga apo na huwag laging umiinom ng softdrinks upang maiwasan ang sakit na UTI. Noong nakaraang linggo, inihayag ni DOH Secretary Maria Rosario Vergeire ang plano nilang pagpataw ng buwis sa mga junk foods at soft drinks.

Makatutulong umano ito upang mabawasan ang obesity rate sa bansa. Ayon kay Maria Rosario Singh-Vergeire Officer-in-Charge ng Department of Health ang mga sweetened beverages at junk foods, ang mga karaniwang pagkain na nagsasanhi ng obesity or overweight sa mga tao. Base sa report na inilabas ng UNICEF ngayong taon, nasa 27 milyong pilipino ang overweight at obese. Sa nakalipas na dalawang dekada, naobserbahan ang pagtaas ng obesity rate sa bansa. Mula 20.2 porsyento noong 1998, naging 36.6 porsyento ito noong 2019. Kung hindi maaksyunan, inaasahang taasa pa ito ng 30 posyento pagdating ng 2030 Kaya paglalagay ng sin tax ang nakikitang solusyon ng Department of Health. Dagdag pa ni Maria Singh-Vergeire mas mataas ang porseyento ng mga overweight at obese na makakuha ng non-communicable disease na iniiwasan ng DOH. Gayunpaman, wala pa rin naman silang konkretong plano tungkol dito.

SHARE THIS ARTICLE NOW

COMMENTS

Write a Reply or Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *


TAGS

The latest news from luzon. Timely. Accurate. Fair.

SM Celebrates 126th National Flag Day

SM City Baguio joins the nation in the observance of the 126th National Flag Day on May 28. To ignite the momentous occasion, a flag-raising ceremony that displays a clean