BREAKING NEWS!

Digital libraries, handog ng DOST sa mga paaralan sa Benguet

Photo Courtesy of DOST-PSTC BENGUET

Sa muling pagbubukas ng face-to-face classes, isang maagang pamasko ang handog ng DOST Cordillera sa limang elementary schools sa Benguet. Nabiyayaan kasi ang mga elementary schools sa Sablan at Tublay ng Science and Technology Academic Research-Based Openly Operated Kiosk Stations o Starbooks.

Isa itong digital library kung saan kahit walang internet connection maaring maghanap ng mga impormasyon mula sa iba’t-ibang Science and Technology sources ang mga estudyante. Maaari rin silang makapanuod ng mga educational videos at audios sa nasabing kiosk. Malaki raw ang maitutulong nito sa kanilang edukasyon lalo na at hindi lahat ay may access sa mga computer at maging sa mga librong maaring nilang kapulutan ng mga impormasyon.

Nag paabot naman ng pasasalamat si Sablan Mayor Alfredo Dacumos Jr. sa tulong. Kanyang hamon sa mga guro, hikayatin ang mga estudyante gamitin ang nasabing kiosk para mas matuto. Ang Starbooks ang kauna-unahang digital library sa bansa na maaring gamitin kahit walang internet connection.

SHARE THIS ARTICLE NOW

COMMENTS

Write a Reply or Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *


ARREST OF FPRRD HAS LEGAL BASIS, ACCORDING TO PBBM

BY: CHARLES NIKKO LIMON President Ferdinand Marcos Jr. defended the arrest of former President Rodrigo Duterte, saying it was legally justified and in line with the country’s commitments to Interpol.

THOUSANDS, FLOCK TO PINDANG FESTIVAL IN MANGALDAN

BY: AKIRA CABUAG, GENE EVANGELISTA, AND KYLA HONRADO (DMMMSU SLUC INTERNS) Around 40,000 people joined the annual Kalutan, Tugtugan, tan Sayawan ed Dalan at the Pindang Festival in Mangaldan, Pangasinan,