BREAKING NEWS!

50,000 na puno, sabay-sabay na itinanim

Mga nag-boluntaryo sa Simultaneous Tree Planting Activity nakiisa sa sabayang pagtatanim ng puno sa Brgy. Gallano, Aringay, La Union noong Setyembre 13, 2022. Larawan mula sa PIA

Libo-libong puno ang itinanim sa iba’t-ibang panig ng bansa sa isinagawang Simultaneous Tree Planting Activity kahapon. Paraan daw ito ng pagdiriwang ng kaarawan ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos. Dalawang daan at limampung puno ng Narra at dalawang daan at limampung puno ng Banaba, yan ang itinanim kahapon ng abot sa isang daang indibidwal mula sa iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan sa La Union. Kasama sa mga nagtanim ang ilang personel ng Environment and Natural Resources Office ng Aringay at ilang residente. Itinanim ang mga ito sa loob ng isang ektaryang lote sa Barangay Gallano, Aringay La Union.

Umabot naman sa dalawang libo at isang daang seedlings ng Agohol Tree ang itinanim sa Suba, Paoay at Banna, Ilocos Norte. 1,367 Bamboo seedlings din ang itinanim sa mini forest ng Tagudin, Ilocos Sur. Sa Daang Kalingasan naman ng Barangay Mueleng, Mangatarem, Pangasinan, 1200 Seedlings ng iba’t-ibang mga puno ang kanilang itinanim. Ang sabayang pagtatanim ng mga puno ay pakikisa sa National Simultaneous Bamboo and Tree Planting Activity na may temang buhayin ang pangangalaga sa kalikasan. Ito ay sa pangunguna na rin ni Presidente Ferdinand “Bongbong” Marcos. Aniya ang presensya ng mga lumahok sa mga piling lugar sa buong bansa, ay nagpapakita ng kanilang adhikain na inuuna nila ang Inang Kalikasan at inanyayahan niya din ang mga ito na manghikayat pa ng mga makikiisa sa mga ganitong mga kaganapan.

Dagdag pa niya, ito ay isang paalala daw para sa lahat na iwasan ang pangpersonal na interes at dapat ay magkaroon ng pananaw sa hinaharap na para sa lahat. Isinabay din ang pagtatanim sa pagdiriwang ng kaarawan ng Pangulo. Parte rin ito ng adbokasiya ng Department of Environment and Natural Resources na pangalagaan ang kalikasan. Ayon kay Sec. Ma. Antonia Yulo-Loyzaga ng DENR, ang pambansang pangako ngayon ay may layuning tugunan ang pagbabago ng klima, at pagkontrol sa maaaring masamang epekto nito at panganib na dala nito sa komunidad. Sa datos ng DILG, aabot 42,000 na mga Barangay at 1,174.9 na ektara ng lupa ang natamnan sa buong bansa. Inaasahan naman ang sunod-sunod pang mga tree planting activities para maabot ang target ng DENR na 46,265 ektarya ng reforested land sa susunod na taon.

SHARE THIS ARTICLE NOW

COMMENTS

Write a Reply or Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *


TAGS

The latest news from luzon. Timely. Accurate. Fair.

SM Celebrates 126th National Flag Day

SM City Baguio joins the nation in the observance of the 126th National Flag Day on May 28. To ignite the momentous occasion, a flag-raising ceremony that displays a clean