Isinagawa na ang border marking sa Daang Kalikasan na nagdudugtong ng Zambales at Pangasinan noong ika-4 ng Mayo sa pangunguna ni Lingayen Mayor Leopoldo Batawil Jr. at Zambales Governor Hermogenes Ebdane Jr.
Simbulo ito ng pagpapatuloy ng proyekto na sinimulan noong taong 2017.
Sa kasalukuyan, dalawa at kalahating oras ang biyahe mula Pangasinan hanggang Zambales. Kapag natapos ang proyekto, tinatayang nasa isang oras na lamang ang biyahe.
Ang Daang Kalikasan ay mayroong apat na daanan na nagsisimula sa bayan ng Mangatarem, Pangasinan at magtatapos sa Santa Cruz, Zambales.
Ito ay kasalukuyang may habang 54 kilometro at napapalibutan ng magagandang tanawin at malagong kalikasan. Isa ito sa pinakanakagigilalas na daang-bayan sa Pilipinas.