Panibagong rollback na naman ang inaasahan ngayong lingo, kaya kahit kakarampot na bawas presyo, malaking tulong din daw ito para sa dalawampung taong taxi driver na si Wilson ay masaya parin siya dahil sa hirap ng buhay ngayon ay kahit piso lang ay malaki na. Dismayado naman ang delivery rider na si Rolyn, paliwanag nya kapag tumataas ang presyo ay nasa tatlo hanggang anim na piso samantalang kapag bumababa ang presyo ay hanggang piso o animnapu’t sentabo lamang.
Dagdag nya pa, parang baliwala din lang ang pagbaba nila ng presyo ng langis kumpara sa itinaas nito. Sa pagtataya kasi ng department of energy, isang piso at limampung sentimo hanggang isang piso hanggang walumpung sentimo ang ibababa sa presyo ng diesel. Limampung sentimo naman hanggang walumpung sentimo kada litro sa gasolina habang sa kerosene ay isang piso at walumpung sentimo hanggang dalawang piso.
Ipinaliwanag ng assistant director ng Department of energy na si Rodela Romero na ang kadahilanan ng rollback price ay dahil sa paghina ng ekonomiya ng mundo, kung saan nagkaroon ng cut of demand o pangangailangan ng mga produktong petrolyo. Isa pang dahilan ay ang pagtaas ng interest rate lalo na sa Europe at America, na nakakaapekto sa lahat lalo na sa mga mahihirap. Naglabas na ng anunsyo ang ilang oil companies bilang tugon sa price rollback, ayon sa caltex, cleanfuel, jetti, petro gazz, ptt philippines, seaoil, at shell, ibababa nila presyo ng gasolina ng 2 piso at 60 sentimo habang 1 piso at 55 centabo naman sa diesel. Pero hiling ng ilang mga motorist na maibalik ang karaniwang presyo ng mga rollback bago ang sunod-sunod na pagtaas ng presyo simula noong Enero. Simula enero ngayong taon, nasa 29 piso at 50 sentimo na ang itinaas ng gasolina. 45 piso na ang sa diesel at 39 piso at 25 sentimo sa kerosene.