BREAKING NEWS!

Optional na pagsusuot ng face mask, epektibo na

Hindi pa rin nakakalimutan ng delivery Rider na si Julius na magbaon ng face mask, ito ay kahit epektibo na ang optional na pagsusuot ng face mask kapag nasa labas. Aniya malaki pa ring tulong ang face mask sa kanyang trabaho, bilang rider kahit papaano nakaka bawas umano ito ng alikabok ang pag-gamit ng facemask. Samantala, si Justine naman ay kampante nang walang suot na face masks kapag nasa labas, ayon sa kanya dahil maluwag na ngayon at konti na lamang ang kaso ng covid-19 ay pwede nang hindi magsuot ng mask. Kaugnay dito asahan ang mahigpit na pagpapatupad ng social distancing sa mga outdoor at open spaces.

 

Mungkahi ni PLT. Angeline Dongpaen mayroong ilalabas na ordinance na maari nang tanggaling ang pagsuot ng face mask. Gayunpaman, may limitasyon parin dahil kailangan pa rin ang pagsusuot ng face sa loob ng pampublikong mga sasakyan at mga pampubliko o pribadong mga establisimento. Kaya ang tsuper na si Mang Tasyo pinapaalalahanan pa rin ang mga pasahero nito na magsuot ng face mask para maprotektahan sila mula sa usok ng sasakyan.

 

Ngayon lamang Martes pinirmahan na ni Mayor Benjamin magalong ang Executive Order No 107-22 o ang boluntaryo na pagsusuot ng face mask sa lungsod sa mga outdoor settings ito’y pagpapatibay at pagsuporta sa inilabas na executive order number 3 series of 2022 ni President Ferdinand Bongbong Marcos Jr. kaya binabantayan ngayon ng medical sector ang epekto ng nasabing kautusan sa kaso ng covid-19 na naitatala sa bansa. Pahayag ni Dr. Edsel Salvana hihintayin umano kung ano yung magiging epekto nito sa number of cases. Dagdag pa niya na bukas ang posibilidad na tataas tlaga umano ang kaso subalit ika niya ito ay mananatiling “manageable”. Sa kabila ng kautusang ito hindi pa ramdam ng ilang tindera ang pag lamya ng bentahan ng face mask. Sambit ni Jas Bornes ganun pa rin ang dami ng mga bumibili ng face mask. Sa tala ng Department Of Health kahapon umabot sa 2038 na mga bagong kaso ang naitatala mas mababa daw ito ng isang daang kaso kumpara noong nakaraang linggo ko na pumalo sa halos 2200 cases kada araw.

SHARE THIS ARTICLE NOW

COMMENTS

Write a Reply or Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *


TAGS

The latest news from luzon. Timely. Accurate. Fair.

Strawberry fest run fires off

Several hundreds of running enthusiasts are expected to see action in the three categories in the Strawberry Festival Run 2023 Saturday. The Aid Station Cafe and the local government of

3rd Montanosa film festival opens

The third Montanosa Film Festival is on this Saturday. The nine days of celebration of the region’s top independent films which will be featured in various venues for screening including

2 NCIP execs face dismissal plaint

Two executives of the National Commission in Indigenous People are facing dismissal charges filed before the Offices of the President and the Ombudsman for irregularities that led to the extension

11th Apache golf ready to roll on April 1

The Apache Golf Tournament is almost at hand and on its second year after missing out on two straight years due to the Covid-19 pandemic. Apache chief Jonathan Vergara said